ANG TATLONG SEKTOR NG EKONOMIYA
P A A N O N A T I N I T O PA H A H A L A G A H A N A T P A U U N L A R I N ?
Ang ekonomiya ng isang bansa ay sumisimbolo kung ano ang estados nito. Sa tingin niyo ba, ang Pilipinas ay masasabi na isang maunlad na bansa? May mga sektor na nakapaloob sa ekonomiya na kung saan ay nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.
(∩^o^)⊃━☆゜.* ゜・ :*・°.:*・°。
Ang unang sektor ng ekonomiya ay ang sektor ng agrikultura. Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman.
Ang sektor ng agrikultura ay may apat na subsectors:
Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad ng bansa. Ito ay mahalaga dahil dito nagmumula ang mga hilaw na materyal na pinakikinabangan ng industriya. Sila rin ang tagabili ng mga produkto ng industriya. Maraming mamamayan ang naagkakaroon ng hanabuhay sa tulong ng mga gawain ng agrikultura. Ngunit may mga suliraning humahadlang sa pag-unlad ng sektor. Ano-ano nga ba ito at paano ito masosolusyonan? Ito ang mga ilan:
- Pagsasaka/ paghahalaman
- Paghahayupan/ pagmamanukan
- Pangingisda
- Paggugubat/ pangangahoy
- Mababang presyo ng produktong agrikultura
Dapat isagawa ang tamang pagtatakda ng presyo sa mga produktong agrikultural.
- Kakulangan ng sapat na imprastuktura at puhunan
Maaaring magpagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada at paghahanap ng mga investors.
- Pagdagsa ng dayuhang produkto
Dapat pinaghihigpitan na ang pagpasok ng mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa.
- Kakulangan sa implmentasyon ng mga programang pansakahan
Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa ang solusyon dito. Ito ang ilang mga reporma na napatupad ng dating mga pangulo na nakatulong sa mga magsasaka:
- Batas Republika Blg. 6389 (Agrarian Reform Code) ni Ferdinand Marcos - Nagpapatibay sa posisyon ng mga magsasaka at pinapalawak ang sakop ng reporma agraryo.
- Batas Repblika Blg. 1400 (Land Reform Act ng 1955) ni Ramon Magsaysay - May
- Batas Republika Blg. 3844 (Agricultural Land Reform Code) ni Carlos Garcia - Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ay itinuturing natunay na may-ari ng lupa.
- Batas Republika Blg. 6657 (Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL) ni Corazon Aquino - Ayon dito, ang lahat ng pampubliko at pampribadong lupaing agrikultural, anuman ang tanim ay ipapamahagi sa mga magsasakang walang lupa.
- Batas Republika Blg. 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act o AFMA) ni Pangulong Fidel Ramos
- Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolihiya
Maaring magbigay ng impormasyon at turuan ang mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
_________________________
Pumunta naman tayo sa sumunod na sekto. Ang pangalawang sektor ng ekonomiya ay ang sektor ng industriya. Kapag sinabing industriyalisasyon, ito ay tumutukoy sa kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaidigang pamilihan. Tulad ng agrikultura, ito ay ay mga subsectors:
- Pagmimina
- Konstruksyon
- Pagmamanupaktura
- Elektrisidad at gas
Mahalaga ito dahil ito ay may kontribusyon ng dolyar sa ekonomiya, nagbibigay-hanapbuhay sa mga Pilipino, dito prinoproseso ang paggawa ng hilaw a materyales at at dito nanggagaling ang ga suplay ng yaring produkto na magagamt natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
May mga suliranin ring hinaharap ang sektor ng industriya. Narito ang ilan at mga solusyon:
May mga suliranin ring hinaharap ang sektor ng industriya. Narito ang ilan at mga solusyon:
- Hindi angkop na proyekto ng pamahalaan
Maraming proyekto ang ipinapatupad ng pamahalaan ngunit hindi ito napapakinabangan ng industriya kaya nasasayang lang ang pondo na ginagamit. Dapat binigyang prayoridad sa pangangailangan ng industriya ang gawin ng pamahalaan.
- Kakulangan ng supporta at proteksyon ng pamahalaan
Kailang magpatupad ng batas ang pamahalaan ukol sa proteksyon.
- Pagpasok ng mga dayuhang kompanya
Maaaring hikayatin ang mga dayuhang kompanya na hindi kakompetensya ng lokal na industriya.
- Pagiging Import Dependent ng mga Industriya
Ang mga dolyar na natatanggap ng industriya galing sa page-export ng mga produkto ay ginagamit rin sa pambili ng dayuhang produkto. Ang pagbuwag ng import liberalization ng pamahalaan ang maaaring solusyon dito.
- Kawalan ng sapat na puhunan
_________________________
Ang huling sektor ng ekonomiya ay ang sektor ng paglilingkod. Dito pumapasok ang pagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at mga konsyumer. Ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay pananalapi, insurance, komersyo, real state, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, at komunikasyon.
Ang ilan sa mga suliranin ng paglilingkod ay ang mga sumusunod:
- Kakulangan sa kasanayan ng manggagawa
Maaaring humingi ng tulong sa DOLE para ito ang huhubog sa kakayahan ng manggagawa.
- Brain Drain
- Mabagal ng pag-unlad ng turismo
Magsagawa ng advertisement. Paglinang ng mga tourism hubs sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga paliparan, daungan at mga daanan.
- Kontraktuwalisasyon
- Kakulangan sa trabaho
Pagpapaunlad ng industriya at agrikultura ang maaring paraan dahil nakakatulong ito sa pagbibigay ng trabaho para sa mga unemployed. Malaki rin ang tulong nito sa ekonomiya ng bansa.
_________________________
Ang bawat sektor ay may mahalagang ginagampanan sa ating ekonomiya. Mas maganda kung mas pauunlarin natin at pabubutihin dahil malaki ang mabibigay na tulong nito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagbibigay aksyon sa mga suliranin ng bawat sektor, nagbibigay ito ng kontribusyon sa pag-unlad.
sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=gtHBzwYpU1M
https://www.slideshare.net/DanPauloAmado/sektor-ng-agrikultura-11798195
https://www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/sektor-ng-paglilingkod